Wednesday, September 15, 2010

Piyesa sa Sabayang Pagbigkas

By Genesis Santos and Joanna Ruiz

Buklod! Pulutong ng kawal ng Diyos.
Tagapag-agap ng busabos na may sakit.
Taga-lingap ng mga angangailangan.
Siya nga! Tomasinong Nars ang bininyayaan.

Apat na siglo ng purong katatagan.
Hinaluan ng napakahalagang kahusayan.
At kinabitan ng pagkamaka-Diyos na kabaitan.
Iyan ang Tomasinong Nars, maka-Diyos at makabayan.

At sa ating ika-quadrisentinaryong taon,
Katatagan, kahusayan, at kabutihan ang sa puso's nakabaon.
Sandaling oras ay muling lumipas, at sa paglaho ng panahon,
ang diwang Tomasino'y hindi maglalaon.

Kilala mo ba ang Tomasinong Nars?
Kahit na maraming nangangailangan, hindi sila sumusuko.
Bawat araw,
Bawat oras,
Bawat minuto,
anumang pagsubok, naglilingkod sa tao.

Sa mga kalamidad, ang pamantasa'y walang inuurungan.
Tomasinong nars, hindi mapapantayan.
Sa taglay na lakas, tibay at katapangan,
Buo ang pagkatao, dulot ng katatagan.

Hindi lang purong katalinuhan,
sigaw ng puso at isip aming katibayan.
Hindi rin kami kayang ungusan,
dahil likas sa amin ang linang na kahusayan.

Sabay sa akademikong kaalaman,
Isinaling sa amin ang tunay na paraan.
Susi sa mabuting kinabukasan,
Para matamo ang tunay at lubos na kagalingan.

Ang tambakan ng kaalaman ay mapupuno.
Ang imbakan ng pagmamahal ay siyang mamumuno,
Ang gasgas at sugat ng kahapon ay maghihilom,
at magbubunyi ang aking puso,
dahil ako'y ISANG TOMASINO.
BUKLOD.

This is US

*picture courtesy of JB Pacaldo

This is the official blogspot of 
UST College of Nursing Freshmen Section 8.